Princess Ryan, karay-karay ang baby sa isang show!

SA ISANG Rockoustic show sa Music Box sa Timog last night, nag-show itong si Princess Ryan at ang kanyang kapatid na si Genesis Ryan.

May ibubuga ang boses ni Genesis at sa sayawan naman ay forte na ito ni Princess.

Nang dumating si Princess sa venue ay may nakita kaming isang baby na karga-karga ng isang matandang babae.

At ‘yung one plus one na tanong na noon na ‘di masagut-sagot ay mukhang nasagot na nga sa gabing ‘yon.

‘Yun nga ba ang  baby ni Princess? Sa susunod na pagkikita namin ay tatanungin ko na kung sino ba ang tatay?

Kasama rin si Paula Bianca sa show at talaga namang doon niya kami napahanga. Yes, may karapatan nga siyang mag-win bilang Best Female Recording Artist of the Year ng 4th PMPC Star Awards for Music.

Bukod sa mataas na ang boses ay may quality pa.

 

LAST MONDAY ay apat na Artista Academy scholars ang natanggal o na-kickout, sila ay sina Alberto Bruno, Marvelous Alejo, Nicole Estrada at Stephanie Rowe.

Tatlong babae at isang lalaki. Yes, first time nga sa mga reality show o artista search sa television ang nangyaring apat ang natsugi sa araw ng tanggalan.

Marami tuloy fans ng apat ang nalungkot. Kung kailan daw na sila ay nabu-buo na para maipaglaban ang kanilang mga manok ay saka naman natanggal ang kanilang mga manok.

Pero sabi nga ni Direk Mac Alejandre, hindi dapat makapampante ang mga natitirang apat na babae at apat na lalaking scholars dahil nga hindi malayong magkaroon ng wild cards.

Sa mga lalaking scholars, masasabing malakas sina Akihiro Blanco at Vin Abrenica. Sila ang hinuhulaang kukuha ng titulo na best actor ng Artista Academy.

Ayon pa nga sa host ng show na si Cesar Montano ay malakas nga raw ang dalawa.

Pero kung ako ang hurado, mas gusto ko si Akihiro kaysa kay Vin.

‘Yun na !

 

KNOWS N’YO ba kung sino itong actor na naging arogante sa court room ng minsang um-attend ito ng kanyang hearing sa isang bayan sa norte.

Naging arogante ang aktor dahil pati ang mga judge at mga abogado na nandu’n sa loob ng korte ay nasigawan at kulang na lang ay duruin niya ng kanyang kamay.

Nagbago ang tingin ng lahat ng present sa korte na ‘yon nang mailabas ni aktor ang kanyang tunay na ugali.

Sa  movie at sa TV show lang daw pala mabait ang bida natin.

O, knows n’yo na ba kung sino siya?

Ang clue: Basta mahusay siyang artista. Pero sa gusto niyang pasukin na bagong yugto ng kanyang career ay baka hindi siya tunay na mahusay. ‘Yun na!

 
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

3 thoughts on “Princess Ryan, karay-karay ang baby sa isang show!

  1. Mag research ka nga. Nauna ng ginawa ng protegee 2 weeks or 3 weeks ago na apat na aspirants ang natanggal. Bka ginaya lang nga ng AA yun eh. What protegee did, really surprised a lot of viewers kya ng AA ang gumawa nun, dedma na lang, kc nagawa na ng Protegee yun eh. Pra tlang gaya2 na lang. And mark my word, it will be Vin abrenica at iyung sophie albert ang mananalo dyan. Mukha tlgang pinapaboran palagi ang 2 ito esp yung vin. Dunno why. I didnt see any special bout this two. Yung vin sa totoo lang cya ang pinaka chaka sa male aspirants. Hindi nmn exceptional ang talent nya.