Guesswhodoes: Princess Ryan does the “Belly Split”

Slowly but surely ang takbo ng showbiz karir ng Kapamilya actress na si Princess Ryan. Hindi man siya nagbibida sa TV at pelikula, tuluy-tuloy naman ang dating ng trabaho sa kanya. Kinainisan ang pagiging mapusok niya bilang si Osang sa teleseryeng Eva Fonda. Ginulo din niya ang buhay ng Lipgloss barkada sa second season nito. Ipinapakita rin naman niya ang kanyang talento sa pagpapatawa sa kontrobersiyal na Saturday night gag show na Banana Split. Buti na lang at hindi siya na-tsugi du’n, huh?

Anyways, madalas ding mapanood si Princess at ang kanyang giling powers sa Wowowee at ASAP ’09. Hindi rin ito nawawalan ng mga raket sa labas. Masaya din naman ang kanyang puso dahil sila pa rin ni Alwyn Uytingco at balita nga namin ay going strong ang kanilang relasyon.

Dahil sa magagandang nangyayari sa kanyang karir at buhay-pag-ibig, hindi na siguro talaga mapigilan ni Princess Ryan na umindak sa tuwa. Nahuli siya ng ating dancing parazzi photographer sa isang pagtitipon habang ito ay nagbe-belly dancing to the delight of the crowd! Go, Princess! Shake the belly and split it! Split it!

By Mica Rodriguez, Photos By Parazzi Wires

Click to enlarge.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.