Princess Punzalan, masaya sa nangyayari sa ex na si Willie Revillame! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! TALAGANG  may balat na sa puwet ang anak ni Mat Ranillo III na si Krista Ranillo. Sa taong 2009 hanggang sa pagpasok ng 2010, hindi pa rin siya tinantanan ng mga isyung ipinupukol sa kanya. Dahil nga sa pagpasok ng unang buwan ng taong 2010, siya pa rin ang ‘in’ sa intriga.

Ngayon, isinusuka na raw ang pamilya ni Krista ng kanilang simbahan at mga ka-relihiyon dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng dalaga. Pati ang ama rin nitong si Mat ay hindi na nga raw tanggap ng kanilang relihiyon, huh!

Ang ibinulong sa akin ng aking parazzi girl, hindi raw kasi nagustuhan ng namumuno sa kanilang simbahan ang mga naglalabasang isyu tungkol sa actress, at pati ang ama nito, kung saan sinasabing siyang nag-bugalu sa anak nito. Nakakalerke, ha?!

Kahit pilit na umiiwas ang actress sa mga itinatanong sa kanya, hindi nga siya tinatantanan ng mga intriga. Lalo na ngayong buntis nga raw ang hitad at ang itinuturong ama ay ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Nakakaloka, ha?! War na ba ito ni Jinkee?! Hahaha!

Dahil ayon naman sa mga kumakalat na chikka, masaya nga raw ang sexy actress na nagbuntis siya at sa ibayong lugar pa ito nagpa-pregnancy test. Kaloka, ha?!

Naku, Krista, ano naman kaya ang paliwanag mo rito? Dahil pati relihiyon mo ay naki-join na rin daw. ‘Yun na!

PANANDALIAN LANG PALA ang pamamalagi sa bansa ng dating asawa ni Willie Revillame na si Princess Punzalan, kung saan, may nagawa itong teleserye kahit sandali lang ang baksayon nito sa bansa.

How true kaya na Willie raw ang gumastos ng pamasahe ng dating asawa pabalik sa Amerika? Ito raw ang regalo ng TV host sa dating asawa nito, huh!

Masama naman daw si Princess sa tinatamo ng TV host ngayon sa buhay. Pero kahit ano pa man, yakang-yakang naman ito ni Willie kahit balikan pa ang pamaso nito. Hahaha! Kalerke!

Masaya nga rin daw sa ganu’n si Princess, at maraming blessings daw ang dumating sa buhay ni Willie, at masaya na rin naman siya sa buhay niya sa Amerika. ‘Yun na!

Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa DWBL 1242 khz, 8-9 A.M. Monday to Friday, at sa DZRH 666 khz, 2:30-3:30 P.M. every Sunday. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

3 thoughts on “Princess Punzalan, masaya sa nangyayari sa ex na si Willie Revillame! – Tita Swarding

  1. Kung totoo man yang mga alegasyon na yan against Kreestalou ay talagang ay dapat lang kondenahin dahil hindi maganda sa paningin nating mga pinoy. At kung ano ang kasalanan ni Kreestalou ay ganun din dapat ang ipukol kay Monkeymi dahil it take two to TANGO walang lesser evil sa kanila. But then hangang hindi kayo makapag presenta ng katibayan na pumatol at nagpapatunay nga na kabit, may relasyon, na buntis si Kreesta and courtesy of Monkeymi ay mas makasalanan at dapat ay ipako kayo sa krus. Ipakita nyo ang ibidensya para sabaya sabay tayong pukulin si Kresstalou at Monkeymi.

    Subalit kung kayo ay binayaran lang ni Jeenkeelou ng dalawang pagmumukha ni Ninoy ay kayo ang dapat mahiya sa mga sarili nyo.

    Masyado kayung mga fanatics na mapanghusga wala pa namang maipresentang ibidensya, kung si Kriss nga na ilang beses naging kabit at may ibidensya hindi kayo ngumangawa, na si Zsa Zsa na ilang taon ng kabit ni Dolphy wala kayung ginagawa, si Ruffa na nagpakasal sa Turkey na kasalukuyang kasal sa iba wala kayung ginawa, si Gretchen na hanggang ngayun ay isang kabit ng mayaman ay wala kayung masabi hindi kayo ngumangawa. Kulang ang espasyo na eto para sa mga immoral na may ibedensya pero wala kayung sinasabi kaya tumigil na kayo.

    Maawa kayo sa sarili nyo na gumagawa ng mga makasalanang storya at ibinabato nyo sa iba ang mga kasalanang ginagawa nyo.

    Kung totoo man yung mga balita ano ang magagawa natin di ba? lalo lang kayung ma iinggit at pinapasikat ang isang starlet. TAMA NA. Sumusikat lang si Jeenkeelou sa sympatya at dahil kay Kreestalou

  2. Talagang DAPAT ISUKA NG SIMBAHAN ang pamilyang Ranillo na ito. Aba…buong pamilya kaya ang magbugaw sa Krista. Kahiya kaya.Tapos sasabihin pa na GOD FEARING SILA.TSK TSK TSK..

  3. sabi ni princess matagal na daw gusto ni willie na yumaman.. kaya true kaya ang chika dati na kaya pinakasalan ni willie si princess ay dahil sa pera na mamanahin nito sa magulang niya?

Leave a Reply

Your email address will not be published.