Princess Jasmine Curtis: On Her Own

IT’S A GIVEN fact that Anne Curtis is one of the most-admired female celebrities sa showbiz ngayon. Halos lahat na ‘ata ng produkto na p’wedeng i-endorse ay meron siya. Sunud-sunod din ang kanyang movie projects at palaging nakikita ang kanyang magandang mukha sa TV. Kahit nga ang mundo ng pag-awit ay papasukin na niya sa kanyang debut album na ‘Anne-Bisyosa’. Winner na winner din siya pagdating sa buhay pag-ibig dahil very much in love ito sa utol ni Solenn Heussaff na si Erwan. ‘Kaw na talaga, ‘teh!

Pero teka lang, ha? Hindi talaga si Anne ang pakay ng artikulong ito. Magpo-focus tayo sa little sister niya na si Jasmine Curtis-Smith, na kinikilala ngayon bilang isa sa prinsesa ng TV5.

Unang napansin ng madlang pipol ang ganda ni Jas nang mag-guest ito ng ilang linggo sa morning show na Showtime, kung saan host ang kanyang older sister na si Anne. Dahil ito ay based talaga sa Australia, agad nitong nilisan ang palabas. Worth it din naman ang pag-stay ng bagets dahil naipakita niya ang kanyang dancing prowess sa mga televiewers. Akalain mong nakalikom agad siya ng sandamakmak na admirers at tagahanga?

Dahil sa kanyang very pleasing charisma, nagka-interes ang Kapatid Network sa kanya. Last year ay kinuha nila ang serbisyo ng baguhang aktres at ginawa itong bida kaagad sa TV version ng Robin Padilla-Vina Morales flick na ‘Ang Utol Kong Hoodlum’. Si JC de Vera naman ang ka-tandem dito ni Jas at bongga lang sa budget ang programa dahil pinuntahan pa nila sa Australia ang dalaga! Para kay Jasmine, studies first bago ang showbiz kaya naman mismong ang kanyang mga Kapatid mula sa Singko ang dumayo roon para sa kanya.

Dapat ay noong Hunyo pa ipalalabas ang programa, pero bilang respeto kay Pareng Binoe (na nag-premiere ng Guns ‘n Roses sa ABS-CBN), nag-desisyon ang TV5 na iurong na lang sa Setyembre ang airing ng action-comedy primetime show. May mga teasers nang inilabas ang network at marami ang nagsasabi na kuhang-kuha nina JC at Jasmine ang angas at appeal nina Binoe at Vina noon.

Hmmmm… mukhang nasa tamang direksyon sa kanyang showbiz career ang utol ni Mareng Anne, huh? Tumagal naman kaya sa magulong mundo ng showbiz ang isa sa pambato ng Singko? Magkakaalaman na!

 

For comments, questions and suggestions, kindly e-mail us at pinoyfansclub@gmail.com. Visit our website at http://www.pinoyfansclub.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

6 thoughts on “Princess Jasmine Curtis: On Her Own

  1. Pingback: Princess Jasmine Curtis: On Her Own :: Jasmine Curtis-Smith

  2. …me naman both,dahil maganda cla pareho eh…..anne sikat jasmin sikat din ……………….siya ka na kay anne nah talaga……………………………jasmin is so very pretty/……………..good luck for your,…..movie…..with jc……go……………go…..go. kaya mo yan……………………..(^_^)

  3. mas maganda naman tong si Jas kaysa sa utol nya. si Anne maganda lang ang katawan tyaka magling lang pumorma. tyak mas maappeal to kaya nga crush ko to. gagwin k tong isa s mga asawa ko.

Leave a Reply

Your email address will not be published.