Princess Diana, inalok ni Kevin Costner na gawin noon ang Bodyguard 2

PLANO NA palang gawin noon ni Kevin Costner ang “Bodyguard 2”.

Subalit hindi ang namayapang singer-actress na si Whitney Houston ang magiging katambal niya rito, kundi ang namayapang si Princess Diana. Subalit hindi lang ito natuloy dahil nga sa nangyaring pagkamatay ni Princess Diana noong 1997.

“Diana and I had been talking about doing ‘Bodyguard 2’. I told her I would take care of her just the same way that I took care of Whitney.

“She let me know that her life might be changing at some point so she was having her own internal struggles. When she died, she was obviously all over the news. I knew that, that was an interesting story that I had, but I never brought that up and a very good reporter, about a year later, somehow heard something and finally came to me and I said, ‘Yeah, that was true.’ Not that she was going to do it. That we were talking about doing it,” kuwento ng actor.

Ayon pa sa actor, nais pa raw noon ni Princess Diana na mismong si Kevin ang magsulat ng story ng Bodyguard 2.

ANGELINA JOLIE, GUSTONG MAGPAPAYAT BAGO ANG KASAL!

 

NGAYONG ENGAGED na at nalalapit na ang kasal nina Angelina Jolie at Brad Pitt, balitang gusto raw ng aktres na mag-gain siya ng 10 lbs. bago ang kanilang kasal.

Ayon sa isang source, “Angelina has decided she’d like a more shapely figure when she weds Brad and is hoping to gain ten pounds. Brad and Angie have asked British chef Jamie Oliver to give her recipes for hearty year healthy meals.

“Angie never cooks so Brad’s now knocking up some English dishes like sheperd’s pie and sausage and mash.”

Idinagdag pa na mas prefer nga raw ni Brad kay Angelina ang curvier figure tulad daw noong una silang magkakilala sa pelikulang, “Mr. and Mrs. Smith” noong 2004.

 

DEMI MOORE, PINALITAN NA ANG TWITTER NAME!

 

MATAPOS ANG kanyang six-year marriage kay Ashton Kutcher ay nagpasya ang aktres na si Demi Moore na palitan na ang kanyang twitter name.

The 49-year old star formerly known as @mrskutcher on the website announced “So hard finding a name that was fun, somewhat playful and available. So for now it will be @justdemi. It could grow on me!”

Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang 4.9 million na followers na nagbigay ng mga ideas para sa kanyang bagong twitter name. “Thanks everyone for your help in finding my new name!

Dagdag pa niya sa kanyang tweet, “Time for a change, Twitter name change. Any suggestions? Collectting all the suggestions! Thanks you. Keep them coming!

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Comments are closed.