Prince Stefan, ipinagkakalat na bading sa Facebook!

BLIND ITEM: HINDI namin alam kung looking for genuine love or lust ang young actress na ito, dahil alam naming meron na siyang lovelife, eh. Hindi nga lang sila masyadong nagpapakita ng dyowa niya.

Pero me nagtsika sa amin – na sana, hindi totoo – na “humihirit” pa rin ng “dyug” sa ex-boyfriend na young actor ang young actress.

Ang hindi lang namin alam kung pinagbigyan ng young actor or hindi na, dahil meron na itong dyowang young actress din.

Kaya nu’ng one time daw, nagkita ang dalawa sa tsikahan with friends, nagkaasaran ang dalawang ex-sweethearts.  Ewan namin kung saan ito nauwi. Dahil kung kilala namin ang ex-boyfriend nitong young actor, mahilig din naman itong “pumasok sa basang kalsada”.

Hahahaha!

Ang kabataan nga naman ngayon, mapupusok. Hay, nako… kung ginusto ng girl noon ang nangyari sa kanya, eh baka maulit na naman. At ‘pag naulit ‘yon, eh hindi na kasalanan ng lalake.

 

JUICE KO, IKINAKALAT sa Facebook ngayon ‘yung “Ang pagbagsak ni Prince Stefan” with matching kuwento kung paanong babagsak. Nu’ng una, napa-da who kami, kasi, hindi nga namin nariri-nig ‘tong si Prince Stefan.

Hanggang sa mabasa nga namin na runner-up pala ito sa Starstruck ng GMA-7. At ‘eto nga, me karelasyon daw itong bakla. Kaya parang black propaganda sa bagets ‘yung kabuuan ng letter.

Kahit ‘di namin kakilala nang personal itong si Prince Stefan, parang ang bad naman nu’ng gumawa ng smear campaign para lang pabagsakin ang wala pa naman sa itaas na si Prince.

Kung bading ‘yung bata, eh ano ngayon? Sakit bang nakakahawa ang pagiging isang bading? Malulugmok na ba ang buhay ni Prince kung sakaling bading ito?

Tigilan na ‘yang smear campaign na ‘yan. Kung me problema ang gumawa ng letter na ‘yon ke Prince eh, harapin niya ‘yung tao, ‘wag daanin sa paninira sa Facebook.

Mas bakla ‘yung ganyang attitude.

 

NA-DENGUE SI Jon Avila, kaya as usual, ang “Unkabogable Family” ay worried na worried. Mabuti nga’t na-detect agad na Dengue ito, kaya nagpa-confine na ito sa ospital.

Si Ryan Bang ay worried na worried, dahil itinuring nitong tatay si Jon at nanay si Vice Ganda, hahaha!

Let’s pray na maagapan at gumaling na si Jon.

 

TWO DAYS AGO ay may poser sa Twitter na @Tado_Jimenez na nagkakalat na naaksidente ang sasakyan sa Hong Kong ni Vice Ganda at namatay agad ang bakla, kaya nag-RIP pa ito sa tweet.

Halatang gumawa lang ng Twitter ang poser ni Tado para lang sirain at “patayin” si Vice Ganda, kaya naman kami mismo ay tumawag din kay Vice, “Nakakalokah, pangalawa ka nang tumatawag.

“Pa’nong nag-crash ang sinasakyan ko eh ang nag-crash, itong credit card ko. Nagla-last minute shopping ako, dahil pauwi na ‘ko mamayang gabi.”

Si Tado na walang kamuwang-muwang naman, “Wala akong Twitter. Kahit nga Facebook, wala ako, dahil isa akong lumang tao. Kaya du’n sa gumagamit ng name ko, wow, kagamit-gamit pala ako!”

Isinara na ng poser ni Tado ang account, dahil nabuko na ang kanyang “drama” sa Twitter.

Nakakalokah ang mga taong walang magawa sa buhay. Kailangan nilang magpapansin, kaya “pumapatay” sila ng kanilang kapwa.

Meron kaming kilalang ganyan. ‘Yung nanay ko namang walang kamuwang-muwang, gusto ni Mo Twister, mamatay na para raw makapag-celebrate siya.

Ang karma naman ay nasa pali-pali-gid lang.

Ipagdasal natin ang tulad ng poser ni Tado at ni Mo.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.