Primetime series nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na ‘Cain at Abel’, tsutsugiin na!

Cain at Abel cast Solenn Heussaff, Dingdong Dantes, Dennis Trillo and Sanya Lopez

PARANG kailan lang nang ilunsad sa GMA Telebabad block ang action-drama series na ‘Cain at Abel‘ na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Big deal ito para sa Kapuso televiewers dahil ang dalawa ang itinuturing na mga Hari ng GMA-7. Karamihan sa mga naging projects nila as individuals ay memorable at sila rin ang dream leading men ng mga magagandang dilag sa kanilang network.

Dahil ito ay talagang nakaplano na for one season lang, tuluyan na ngang magpapaalam ang programa na katapat ng hindi matinag-tinag na FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sa totoo lang, maganda naman ang programa. Magaling din ang mga artistang kasama at dito rin namin napagtanto na Sanya Lopez is Kapuso network’s potential big star kung maalagaan mabuti. Naaalala namin si Jennylyn Mercado sa kanya.

Sigurado kami na may kasunod agad na projects ang dalawang award-winning na bida ng serye. For sure ay magcoconcentrate sa pagdating ng bagong anak nila ni Marian si Dingdong while Dennis will probably concentrate on his upcoming movies tulad ng OTJ 2 at Mina Anud.

Panoorin ang huling linggo ng ‘Cain at Abel’ dahil sa wakas ay nalaman na nina Daniel at Elias na sila ay magkapatid. Mananaig ba ang galit o lukso ng dugo?


Related Post

loading...

2 thoughts on “Primetime series nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes na ‘Cain at Abel’, tsutsugiin na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.