Price Freeze, Walang Epekto sa mga Sinalanta ni Yolanda

TALIWAS SA pinaiiral na price freeze ng pamahalaan kasunod nang pananalasa ng super typhoon Yolanda, patuloy pa rin umano sa pagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Ayon sa ilang residente, pinuna ng mga ito ang kawalan umano nang aksyon ng mga awtoridad para bantayan ang mga nananamantalang mga negosyante.

Partikular aniya sa mga nagtaas ang presyo ay ang bigas, isda, mineral water at iba pa.

Sinabi ng ng ilang residente na maging ang bloke ng yelo ay pumapalo na umano sa P500 mula sa dating P200.

Maging ang commercial rice anila na P35 per kilo ay nasa P45.00 na ang presyo habang pumapalo naman sa P250.00 ang kada kilo ng isda.

“Walang epekto ang price freeze. Tapos ang pako, pagkatapos ng bagyo, by Sunday bumili kami ng pako, P50/kilo pa, ngayon, P75 na ang kilos. Hindi lang kami dito sa Bogo, maraming bayan dito sa far north ng Cebu, nagmahal ang presyo.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.