Price Freeze, Ipinatupad ng DTI; Multang P1-M at 10 Taong Kulong sa mga Lalabag

 

DAHIL SA nagkakaproblema na sa suplay ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, nagpatupad na ng price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI).

Kabilang sa mga sinalanta ni Sendong, kung saan ipinatupad ang price freeze, ay sa Dumaguete at ilang lugar sa Negros Oriental, kung saan nagkakaproblema sa suplay ng pagkain at malinis na tubig.

Dahil sa ipinapatupad na price freeze, hindi maaaring magtaas ng presyo ng bilihin kahit mahirap ang suplay at pagbiyahe ng mga produkto at pagkain.

Nagbabala ang DTI na posibleng makulong ng 10 taon at multang P1 milyon ang magiging parusa sa mga negosyanteng lalabag sa price freeze.

Nagpakalat na ang DTI ng monitoring team na magbabantay sa paggalaw ng presyo ng bilihin sa mga lugar na malubhang sinalanta ng bagyo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.