Prexy ng TODA, Tugis sa Hit and Run

TUGIS NGAYON ng mga awtoridad ang presidente ng samahan matapos takasan ang nasagasaan na pintor sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Ode Bernardo, nasa hustong gulang at presidente ng Coloong Malanday Tricycle Operators and Drivers’ Association.

Inoobserbahan naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Elmar Lalu, 46, ng M. H. Del Pilar St., Mabolo ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng umaga, dala ng suspek ang tricycle (TA-9016) at pagsapit sa Coloong 2 ay nag-overtake sa pedicab subalit nahagip ang naglalakad na biktima.

Sa halip na huminto ay lalong pinasibad ng suspek ang tricycle habang dinala naman sa VGH ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.