Presyo para sa pulis

0915524xxxx – Idol, isusumbong ko lang po sa inyo iyong isang pulis ng Taytay dahil kapag nagpupunta iyon ng palengke ay magtatanong ng presyo ng bibilihin at kapag sinagot ng nagti-tinda ay magpapakita ng baril at sabay na itatanong, “Iyan na ba ang presyo para sa pulis?”

 

0919688xxxx – Sir Raffy, kami po ay mga taga-UPLB at isusumbong lang po namin sa inyo ang ginawang pagpapaputok ng baril ng isang barangay captain habang umiinom ng alak sa loob ng Maahas barangay hall.

 

0908290xxxx – Ire-report ko lang po sa inyo ang pangmo-modus o panghuhulidap na nagaganap dito sa malapit sa Manggahan Elementary School sa Pasig. May nagtse-checkpoint po tapos sasabihin ng pulis kung magkano ang kayang ibigay ng kanilang nahuhuli para makaalis na ito kaagad. Wala naman pong mga nameplate ang mga nanghuhuling pulis na ito. Pakiimbestigahan naman po. Salamat.

 

0929769xxxx – Pakiaksyunan naman po ang pagpapapila dito sa may Edsa Ortigas sa mga namama-sadang bus dahil kinokotongan po ng tig-20 pesos. Kapag hindi po nagbigay ang bus ay ipinapataboy sa mga MMDA. Sa gabi po ay para daw po sa pulis ang kinokolekta pero pinang-iinum nila iyong ibang koleksyon at ibinubulsa naman ng kolektor ang iba. Kaya po sobrang traffic lagi dito ay dahil sa ginagawa nila. Sana po ay maaksyunann ninyo ito. Maraming salamat po.

 

0933526xxxx – Sir, dito po sa may Libis nangingikil sa mga sasakyan iyong mobile ng station 12. Sana po ay maimbestigahan ninyo para matigil na. Salamat po.

 

0916117xxxx – Idol Raffy, ire-report ko lang po sa inyo ang tungkol sa apat na pulis sa may Julia Vargas corner C-5. Tuwing napapadaan po ako doon ay nakikita ko ang mga pulis na iyon sa loob ng isang convenience store na nagpapalamig. Iyong iba ay pa-text-text lang, iyong iba naman nagbabasa ng dyaryo sa halip na dapat ay nasa labas sila palagi at ginagawa ang trabaho nila.

 

0921246xxxx – Sir, irereklamo ko lang po iyong aming school na Tech Pacific College dahil nag-resign po ang lahat ng teachers dahil delay at underpaid ang salary nila sa kalagitnaan ng semestral period. Ngayon po ay kaming mga estudyante ang sinisingil ng tig-dalawang libo para sa kondisyon na resumption ng klase samantalang fully paid naman po kami sa tuition namin sa buong semester. Tama po ba ang ginagawa nila? Sana po ay maaksyunan po ninyo kaagad ang hinaing naming mga estudyante. Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cignal Cable ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny at Channel 59 naman sa Sky Cable.

Para sa inyong mga sumbong mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

One thought on “Presyo para sa pulis

Leave a Reply

Your email address will not be published.