Presyo para sa areglo

0915743xxxx – Sir, gusto ko lamang pong ireklamo iyong isang desk officer sa QCPD Station 10 sa Kamuning dahil namemresyo ng areglo at ikinulong kami ng dalawang oras dahil sa kagustuhan daw ng isang driver.

 

0923244xxxx – Sir Raffy, itatanong ko lang po kung ligal ba na humingi ng computer fee ang mga pulis kapag kukuha ng police clearance? Dito po kasi sa A-ngono, Rizal, bukod po sa binabayaran sa treasury ng munisipyo bago nila i-release ang police clearance ay naniningil pa po sila ng P115 para sa computer fee. Tama po ba ito?

 

0947448xxxx – Idol, irereklamo ko lang po iyong creek dito sa may Libis dahil delikado kasi sa kawalan ng harang. Ang creek po na ito ay may lalim na 15 hanggang 20 feet. Sana po ay makalampag ninyo ang kinauukulan para maaksyunan ang aking reklamo. Salamat po.

 

0949834xxxx – Mr. Tulfo, hihingi lang po sana ako ng tulong kung ano ang dapat naming gawin. Tungkol po kasi ito sa pamangkin ko na na-check point po ng pulis sa Muntinlupa City. Sinira nu’ng pulis iyong driver’s license niya dahil sinasabi nitong fake daw. Hinihingian pa siya ng limang libo dahil i-impound daw kasi ang motor niya pero limang daan lang ang naibigay niya. Sana po ay mapayuhan niyo kami sa dapat naming gawin. Salamat po.

 

0933765xxxx – Sir Raffy, tulungan ninyo po kami rito sa San Carlos, Pangasinan dahil may isang pulis po rito na bata ni Mayor na nagpapaputok ng baril. May mga hawak po kaming ebidensiya ng pagpapaputok niya ng baril. Sana po ay matulungan ninyo kami. Maraming salamat po.

 

0927757xxxx – Idol Raffy, sana po ay maimbestigahan ninyo ang lugar namin dahil hindi namin alam kung saan na napunta ang mga naging budget dito dahil walang eskuwelahan na maayos, walang tubig na inumin na malinis at walang mga proyekto rito na makakatulong sa amin. Ang liit ng barangay namin pero dalawa ang kapitan ng barangay. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aking sumbong, dito po kami sa Western Samar. Salamat po.

 

0922653xxxx – Sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan para matulungan po kaming mga nasunugan sa palengke ng Hagonoy, Bulacan. Iyong calamity fund na ibinigay sa amin ay wala na raw po ngunit wala naman kaming natanggap na kahit anong tulong. Hindi kami makapagreklamo dahil natatakot kami at pader daw ang babanggain namin. Kung anu-ano ang pinagkakagastusan ngunit hindi naman kami matulungang mga nasunugan. Ang aming mayor at mga department head ng munisipyo ay laging nasa out of town seminar, walang natatapos na trabaho sa munisipyo dahil lagi silang wala at lagi kaming pinapabalik-balik. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

Ang WANTED SA RADYO (WSR) ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes- Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapapanood ang WSR sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa SkyCable ito ay nasa Channel 61, Channel 1 sa Cignal at Channel 7 naman sa Destiny.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.