Presyo ng Langis, Tumaas na Naman

PANIBAGONG HIRAP na naman ang papasanin ng mga motorista, kasunod ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng la-ngis.

Paliwanag ng mga ito, dulot daw ito ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Alas-6 ng umaga kahapon, nagpatupad ang Petron, Chevron, Flying V, Total at Shell Pilipinas ng P0.50 dagdag sa bawat litro ng premium gasoline, P0.70 kada litro ng regular gasoline at P0.90 sa bawat litro ng diesel.

Ito na ang ika-apat na pagkakataon ngayong buwan ng Enero na nagpatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis sa bansa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.