Presyo ng Langis, Tuloy sa Pagsirit

PANIBAGO NAMANG pagtaas sa presyo ng gasolina at LPG ang kakaharapin ng mamamayan.

Epektibo alas-6 ng umaga kahapon, tumaas ng 60 sentimo kada litro ang dagdag presyo ng Petron at Total sa kanilang premium at unleaded gasoline.

Aabot sa 85 sentimo ang dagdag presyo kada litro sa regular gasoline, 20 sentimo sa kada litro ng diesel o krudo at 25 sentimo kada litro ng kerosene ang dagdag presyo ng Petron.

Maging ang liquefied petroleum gas (LPG) ng Petron ay tataas din.

Magpapatupad ang naturang kumpanya ng P3.00 kada kilo o katumbas ng P33.00 kada regular na tangke ang kanilang dagdag-presyo.

Ang paggalaw sa presyo ng krudo sa world market ang sinasabing dahilan sa pagtaas sa presyo ng gasolina at LPG.

Inaasahan namang magsusunuran na rin ang iba pang mga kumpanya ng la-ngis.

Sa muling pagtataas ng presyo ng la-ngis, may mga ilang grupo na ang nagsagawa ng rally upang iprotesta ang walang tigil na pagtaas sa presyo nito.

Dahil dito nagpanukala si UP professor at dating DBM Secretary Ben Diokno na dapat sana tuwing tataas ang presyo ng krudo sa world market ay dapat na tap-yasan din ang ipinapataw na buwis.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.