Presyo ng langis muling nag-rollback

NAGPATUPAD NG rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis nitong linggo lamang.

Base sa impormasyong nakarating sa Department of Energy (DoE), nagkaroon ng price reduction ang Chevron Philippines ng P1.00 kada litro para sa kanilang gold at silver fuel products, habang ang regular gasoline ay P0.70 naman bawat litro ang ibinawas.

Ang diesel fuel naman ng kumpanya ay ibinaba ng P0.80 kada litro at kerosene ng P0.90 bawat litro sa lokal na merkado.

Epektibo ito simula kahapon alas-12:01 ng madaling-araw.

Ang kumpanyang Shell, Petron at Flying V naman ay sumunod din sa naturang rollback.

Ang independent player na SeaOil ay may price reduction din kahapon ng alas-6 ng umaga.

Nabatid na ang pagbaba ng presyuhan sa international market ang dahilan ng natu-rang pagbaba ng bentahan sa local market.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.