Presyo ng asukal, lolobo sa bagong tax

MARAMI ANG aaray sa mga negosyante na may mga panindang sinasangkapan ng asukal ngayong nalalapit na ang summer season sa nagbabadyang paglobo sa presyo ng asukal sa Pilipinas.

Ang pagtaas sa presyo ng asukal ay inaasahan kasunod ng bagong regulasyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nag-aamyenda sa kahulugan ng “raw sugar” kung saan lumalabas na ang muscovado lamang ang uri ng asukal na maaaring ma-exempt sa value added tax (VAT).

Ito ang nag-udyok kay Negros Occidental Cong. Albee Benitez para siyasatin ang inisyung Revenue Regulations 13-2013 ng BIR dahil mistula aniya itong pagpapatupad ng bagong tax na makakaapekto sa industriya ng asukal.

Binanatan ng kongresista ang BIR sa bagong regulasyon na aniya ay malinaw na pagsaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso.

Dahil sa naturang hakbang ng ahensiya ay inirekomenda ng solon sa House committee on ways and means na repasuhin ang nasabing bagong re¬venue regulation ng BIR.

Maliban sa pagsasalang sa pagsisiyasat ay iginiit rin ng mambabatas ang pagkakaroon muna ng konsultasyon sa mga stakeholders bago ang implementasyon ng bagong regulasyon.

Wala pa namang inilalabas na presyo kung magkano ang itataas sa presyo ng kada kilo ng asukal na isa sa pangunahing sangkap sa mga pagkaing patok tuwing tag-araw.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.