Press ID; Empty Shells, Narekober sa Maguindanao Massacre Site

KORONADAL CITY – MAY mga panibagong ebidensiya na narekober sa pinangyarihan ng Maguindanao massacre sa Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Ito ay kinabibilangan ng isang lumang identification (ID) card at tatlong empty shells ng M16 armalite rifles at M14 rifles.

Ayon kay Engr. Khomeini Tipas, nakuha ang naturang ID at mga bala ma-tapos ang paghuhukay ng isang construction worker dahil sa isinasagawang konstruksyon sa massacre site.

Ang nasabing ID ay sira na at ang katagang “Sultan Kudarat” na lamang sa ibabang bahagi nito ang makikita.

Pinaniniwalaan naman na taga-Sultan Kudarat na mamamahayag ang may-ari ng nabanggit na ID.

Samantala, isa sa inaasahan na dadayuhin naman ngayong araw sa semen-teryo sa lungsod ng General Santos ay ang Forest Lake. Maliban sa maraming mga inilibing, sa naturang lugar din kasi nakalagak ang mga labi ng 12 sa mga naging biktima ng Maguindanao massacre.

Ito na ang pangalawang taon na inaalala ng mga pamilya at mga kaibigan ang mga biktima tuwing sasapit ang Araw ng mga Patay matapos ang malagim na pangyayari noong Nobyembre 23, 2009. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.