Presong Tatakas, Utas sa Jail Guard

DEAD ON the spot ang isang bilanggo na nagtangkang tumakas matapos barilin ng jail guard sa Negros Occidental.

Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at leeg ang biktimang si Albert Cordova na agad nitong ikinamatay.

Sa imbestigasyon, gu-magawa ng inventory sa kanilang opisina ang jail guard na si Fernando Tamon at nang paglingon niya ay nagulat na lamang siya na may hawak na itak si Cordova at tatagain siya, dahilan para barilin niya ito.

Ayon sa medical record ng bilangguan, may diperensya sa pag-iisip si Cordova.

Magsasampa naman ng kaso ang pamilya ni Cordova laban kay Tamon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Provincial Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa nasabing insidente. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.