Presong Pumatay sa Mag-ina, Inuntog ang Sarili at Namatay

AYON SA mga opisyal ng Police Regional Office, inuntog ng isang preso ang kanyang ulo sa pa-der at hindi nagbigti na siya nitong ikinamatay, matapos nitong patayin ang isang mag-ina na bumibisita lamang sa bilangguan sa Masbate.

Dagdag pa ni P/Supt. Renato Bataller, dinala nila ang suspek sa isang selda na wala umanong lubid bilang parte ng kanilang protocol, matapos ang pananaga nito sa mga biktima.

Bigla umanong nagwala ang suspek na si Rey Esparraguera at i-nuntog ang sarili sa pa-der. Napansin na lamang ng mga pulis bandang ala-1 kamakalawa ng madaling-araw na puno ng sugat ang ulo nito at wala nang buhay.

Habang nasa ospital naman ang isa pang bilanggo na si Rommel Buhia matapos ma-damay sa pananaga.

Nagsasagawa naman nang imbestigasyon ang mga pulis kung paano nakakuha ng itak ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.