Preso, Todas sa Pang-aagaw ng Baril

PATULOY ANG pagsisiyasat sa pagkamatay ng isang inmate matapos mang-agaw ng baril sa Manila Police Station 9 sa Ermita.

Kinilala ang preso na si Rodel Reyes, taga-Leveriza, Pasay na salarin sa talamak na nakawan sa lugar.

Lumalabas sa ulat ng nangyaring insidente kamakailan, kinatok umano ni Reyes ang desk officer na si PO3 Jecsover Torrefranca sa pagnanais na makapagbanyo.

Nang buksan ng opisyal ang selda, dito na umano kumilos si Reyes at inagaw ang baril.

Nagpambuno pa umano ang dalawa at napaputok ang baril na ikinasawi ni Reyes. Tinamaan sa mukha si Reyes.

Tulog naman ang isa pang preso na kinilalang si Bernard Ramirez nang maganap ang nasabing insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.