Preso, Pumuga sa NBP

NAGPADALA NA ang Department of Justice (DOJ) ng five-man recovery team sa lalawigan ng Isabela upang tugisin ang tumakas na isa pang preso sa maximum security compound ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, ito’y matapos makita sa nasabing lugar ang nakatakas na si Romel Laciste.

Maaalala na napabalitang nawawala ang naturang pugante noong alas-2 ng hapon ng Agosto 15 sakay ng delivery truck ng bigas at nadiskubre noong bumisita ni De Lima sa NBP.

Pinagpapaliwanag na ng Justice Secretary ang 10 custodian officers kung bakit hindi sila dapat patawan ng parusa kaugnay ng nasabing pagtakas ng inmate.

Taong 2008 nang mahatulan ng habambuhay na pagkakabi-langgo si Laciste dahil sa panggagahasa at pagpatay sa isang da-ting probation officer sa lalawigan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.