Preso, Pumuga Para Magtoma

ISANG PRESO na nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) ang inireklamo na nakikitang lumalabas hindi lang sa kanyang selda kundi mula mismo sa himpilan ng pulisya upang makipag-inuman sa ibang barangay.

Si Sozimo Gamponia, tubong Badoc Ilocos Norte at nahaharap sa kasong Double Murder at Frustrated Murder ay nasa kustodiya ng PNP Badoc noon pang 2010.

Base sa reklamo, ang suspek ay madalas umanong kasama ng chief of police ng Badoc na nakikipag-inuman sa ibang lugar.

Si Gamponia ay da-ting nakabilanggo sa BJMP sa Batac City ngunit inilabas dahil na rin sa apela ng kanyang abogado at sa utos ng korte matapos magkasakit.

Samantala, simula noong 2010 na nasa kustodiya ng PNP ay hindi na ibinalik pa sa BJMP at malaya u-manong gumagala sa labas ng selda ng Badoc Municipal Jail.

Sa ngayon, hinihintay ang magiging paliwanag ng mga awtoridad sa nasabing alegasyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.