Preso, Pumuga Habang Ginagamot sa Ospital

PUMUGA ANG isang inmate na nakilalang si Randy Reyes Ugad, isang ex-Army, habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital sa Amas Complex, Kidapawan City.

Ayon kay C/Inspector Ramon Hernandez, warden ng North Cotabato Rehabilitation Center, apat na hindi nakilalang lalaki ang pumasok sa silid ospital ni Ugad at tinutukan ang mga jail guards at guwardiya ng nasabing pagamutan.

Armado umano ang mga suspek ng caliber .45 pistol.

Kasabay rin nila sa pagtakas ang isang babae na nagpakilalang asawa ng bilanggo.

Isa sa mga guwardiya ang nagsabi na ang isa sa mga tumulong sa pagtakas ni Ugad ay nasa ospital nitong nakaraang araw.

Dahil dito, patuloy ang ginagawang manhunt operation ng Amas Jail at ng Cotabato Provincial PNP sa pumugang preso at ang apat na katao na tumulong dito upang makatakas.

Si Ugad ay inaresto at nakulong sa Libungan, North Cotabato dahil sa kasong frustrated murder at illegal possession of firearms.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.