Preso, Patay sa Sobrang Init sa Kulungan

MATINDING INIT sa loob ng piitan ang itinuturong dahilan nang pagkamatay na isang bilanggo mula sa Tigaon District Jail sa Barangay San Francisco, bayan ng Tigaon, Camarines Sur.

Napag-alaman na bandang alas-3:00 ng hapon kamakailan nang matagpuan na lamang na nakabulagta na ang biktima na nakilalang si Sotres Corre ng Barangay Maangas sa bayan ng Presentacion sa naturang lalawigan.

Naisugod pa sana sa pagamutan ang biktima subalit idineklara na itong dead on arrival.

Napag-alaman na matagal na rin na may sakit na tuberculosis ang biktima kung saan sinabayan pa ng matin-

ding init sa kulungan kaya natuluyan ito.

Samantala, hindi naman isinasantabi ang anggulong foul play sa nangyaring insidente.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.