Preso, Nakatakas; Pulis, Sinakal

NAKATAKAS ANG isang preso matapos sakalin at mawalan ng malay ang isang pulis na nagbabantay na naglakad lamang sa tabi ng detention cell sa Tagudin, Ilocos Sur.

Ang nakatakas na inmate ay si Joel Soriano, 30, na may kasong illegal possession of drugs, habang nakilala ang pulis na si PO1 Mae Roselle Lacasandille.

Base sa pagsisiyasat, paulit-ulit umanong hiniling ng salarin sa pulis na pupunta ito sa banyo at nang magpatulong sana ang pulis sa mga kasamahan ay sakto namang dumaan sa tabi ng detention cell at nabigyan ng pagkakataon na hilahin ng suspek ang pulis at sakalin hanggang sa mawalan ng malay.

Gumamit nang matulis na bagay ang preso para buksan ang kandado at kumaripas na ng takbo.

Bagama’t narinig ito ng kasamahan ng pulis ngunit huli na rin nang malaman nila at malayo na ang nakatakas na preso.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang hot pursuit operation sa nasabing preso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.