Preso, Nakapuga Sa 3 Escorts

ISANG PRESO ang nakapuga makaraang  tumalon sa bintana ng isang pampasaherong bus na maghahatid sana rito sa isang hearing para sa kinakaharap na kaso sa La Union.

Kinilala ang nakatakas na si Ronald Gabol, 37-anyos na may kasong Murder.

Galing ng Romblona ang bus kung saan lulan si Gabol at ang kanyang tatlong escort patungo sa Regional Trial Court Branch 71 sa Candon, La union upang litisin ang kaso nitong Murder.

Ayon kay Sr. Insp. Chrstian Alquiza, OIC chief of police ng Bacnotan PNP, naganap ang pagtakas ni Gabol noong Biyernes bandang alas-8:00 ng umaga sa national highway ng Barangay Poblacion, Bacnotan.

Nang mabalitaan ang nangyari ay kaagad umanong dumulog sa kanya ang isa sa mga pulis na si SPO1 allan Mazo Fruelda, para hanapin ang presong si Gabol na aniya ay tumalon sa kanilang bus na sinakyan.

(S. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.