Preso, Nagpatiwakal sa Lock-up Cell sa Isabela

PATAY ANG isang preso matapos magbigti sa loob ng  lock-up cell ng PNP Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rudy Calzada, 53 anyos, residente ng Barangay Ammobocan, na nagbigti sa pamamagitan ng kanyang kumot na gamit sa loob ng selda.

Matinding kalungkutan o depression diumano ang dahilan ng pagpapatiwakal ni Calzada dahil ipinakulong siya mismo ng sariling pamilya.

Sinasaktan umano ng biktima ang pamilya pa-ngunahin na ang kanyang asawa na si Shirley tuwing nalalasing kaya’t nagpasya silang ipakulong ito para magtanda, subalit hindi nila inaasahan na magpapakamatay ito.

Ayon naman kay Insp. Larry Diaz ng PNP Cauayan City, hindi mahigpit ang kanilang pagbabantay kay Calzada. Siya ay nakakalabas sa lock-up cell at nakakapaglakad sa paligid ng himpilan ng nasabing pulisya.

Wala silang napansin na palatandaan na magpapakamatay si Calzada at nagulat na lamang sila nang matagpuan ang kanyang bangkay na nakabitin sa palikuran ng selda, dagdag pa ni Diaz.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.