Preso, nagpanggap na baliw; nakapuga

MAITUTURING NA pang “best actor” ang akting ng isang preso matapos nitong magpanggap na isang baliw at tumakas mula sa kulungan ng Provincial Jail ng Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Sa salaysay na ipinahayag ni Agusan del Norte provincial jail warden Engr. Luisto Agura, hindi nila sukat akalain na pupuga ang presong si Bonifacio Lozada, 29, na taga-lungsod ng Magallanes, Agusan del Norte matapos nitong magpanggap na baliw dahil buong akala nila ay nababaliw na nga ito sa mga senyales na ipinapakita nito, kung kaya’t hinahayaan lamang nila ito sa labas ng kulu-ngan.

Subalit nabatid na dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi ay hindi na nila napapansin ang presensya ni Lozada, at sinasabing inakyat at tinalon ang isang tower.

Napag-alaman na tatlong taon nang nakapiit si Lozada sa loob ng bilangguan at kinasuhan ng illegal drugs o paglabag sa RA 9165.

Kaugnay nito, hini-hingi naman ng awtoridad ang kooperasyon ng publiko at sa kung sino man ang nakaaalam kung saan nagtatago si Lozada upang maiwasang lumaki pa ang kasong kakaharapin nito. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.