Preso, Nagpakamatay sa Loob ng Selda

PATAY NA nang makita ang isang preso sa loob ng kanyang selda sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).

Gamit ang tela, nagbigti umano si Dionesio Madrid Jr., 32, may kasong panghahalay sa kanyang sariling anak.

Samantala, napag-alaman na tahimik na tao si Madrid at sinubukan na rin nitong magbigti nang nakakulong pa siya sa Asturias Municipal Jail.

Agad namang nag-utos ng pagsisiyasat si acting Jail Warden Romeo Manansala kaugnay ng nasabing insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.