Preso, Nagbigti sa Loob ng Selda

PALAISIPAN NGAYON SA mga pulis ang pagkamatay ng isang preso matapos makitang patay at nakabigti sa loob ng selda sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Antonio Macatunao, 35, alyas Tonya Bakla ng Miguel St., North Bay Boulevard North ng lungsod.

Sa naantalang ulat ng pulisya, alas-7:20 ng umaga nang makitang nakabigti ang biktima sa detention cell ng dating Navotas Police Station sa M. Naval, Sipac-Almacen ng lungsod.

Lumalabas na isang pulis na nakatalaga sa Tactical Operation Center ng Navotas Police ang nakakita sa biktima na nakabigti ng nylon cord.

Nabatid na nahuli si Macatunao na may dalang droga kamakailan na naging dahilan upang ikulong sa nasabing detention cell.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Macatunao. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.