Preso, Na-stroke sa Kulungan, Patay

NAISUGOD PA sa opsital  ang isang preso matapos ma-stroke sa loob ng kanyang selda bago binawian ng buhay.

Kinilala ito na si Ferdinand Bitwil, 40, na residente ng Maitum, Sarangani province at nahaharap sa kasong murder.

Sinabi ni Jail warden Atong Purisima ng Baluntay Provincial Jail sa Alabel, Sarangani province na ang kasamahang inmate ang siyang nakakita sa biktima habang inatake.

Samantala, ipinaalam na sa kanyang kamang-anak ang pagkamatay ng nasabing inmate.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.