Presinto sa mga Mall, Pinag-aaralan ng PNP

PINAG-AARALAN NA ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng mga “strategic” police station sa loob ng mga mall, partikular sa Metro Manila, upang matiyak ang seguridad ng mga mall-goer.

Ito’y sa harap ng nangyaring panloloob sa isang jewelry sa SM Megamall, Sabado ng gabi.

Ayon kay PNP Chief Director Alan Purisima, ilalagay ang mga nasabing police station malapit sa mga entry at exit point ng mga mall para makaresponde agad sakaling may mangyaring krimen.

“Meron na po tayong pag-uusap kung paano mas magiging mabilis ang pagresponde ng mga pulis natin dahil po kung lalagyan natin ng pulis sa buong mall, ang lalabas po kasi roon nagiging securit guard ang ating mga pulis.”

Palalakasin din aniya ng mga awtoridad ang pakikipag-ugnayan nila sa iba’t ibang district safety battalion upang mas makahingi kaagad ng tulong sakaling may banta sa seguridad ng mga mamamayan.

Sa ngayon aniya, humihingi na ng procurement ang PNP para maibigay ang kanilang mga radyo at patuloy na ring nakikipag-usap sa lahat ng beat patrol at quick reaction forces na nakatalaga sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.