Presidente ng TODA, Kakasuhan ng Estafa

MAHAHARAP SA kasong Falsification of Public Document at Estafa ang pangulo ng samahan ng pamamasada ng mga tricyle matapos na mabuko sa pag-iisyu ng pekeng prangkisa sa mga kasapi ng nasabing samahan.

Ito ay matapos na maghain ng kaso si Gng. Leticia F. Macalipay, senior citizen, operator ng tricycle at nakatira sa # 149 2nd St., 5th Avenue, Grace Park ng nabanggit na lungsod laban sa isang Edwin Woo, negosyante, pangulo ng samahan ng pamamasada ng tricycle sa buong nabanggit na lungsod at residente ng 2nd Ave., Grace Park, Caloocan City.

Ayon kay Macalipay, noong nakalipas 2011 at 2013 ay pawang mga huwad umano ang inisyung prankisa ni Woo sa kanya at iba pang operator ng tricycle.

Aniya, noong nakalipas na Hulyo 30, 2013, bandang alas-8:00 ng gabi ay tinawagan umano siya ni Woo sa telepono at ipinaalam sa kanyang na kailangan ipa-renew na ang kanyang prangkisa.

Pinapunta ng nasabing pangulo si Macalipay sa bahay nito sa Venus Hotel na nasa 2nd Avenue, Grace Park.

Pinagdadala umano ni Woo ang nasabing ginang ng halagang P5,000 bilang kabayaran ng pagpapabago ng prangkisa sa pangakong sa loob lamang ng dalawang araw ay makukuha na ang naturang prangkisa.

Subalit magmula noon hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ni Woo ang pangkisa.

Sinabi pa ni Macalipay, noong Agosto 2, 2013 ay nasita ang kanyang tricyle tungkol sa prangkisa na hindi niya sukat akalin ay huwad pala ang ibinigay na prangkisa at pati na rin ang unang pangkisa na ibinigay sa kanya ni Woo noong taong 2011 ay peke rin kaya nagpasiya na ang ginang na magharap ng usapin laban kay Woo.

Nabatid pa, umaabot umano sa may dalawang libong oprator na miyembro ng samahan mula sa distrito uno at dos ang naisyuhan na umano ng pekeng prangkisa ni Woo na nagkakahalaga ng P5,000 kada isa.

Samantala, sinabi ni Retired Col. Ely De Leon, chairman ng National Association on Corruption Prevention Foundation Unit (NACFU, maaring magsadya sa kanyang tanggapan ang mga nabgiyan ng pekeng prangkisa ni Woo para magharap ng reklamo.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.