Presidente ng Shipping Line, Patay sa Ambush; Anak, Sugatan

ISANG MALAWAKANG manhunt operation at imbestigasyon ang isinasagawa ngayon ng mga elemento ng Caloocan City Police laban sa dalawang hindi nakikilalang riding in tandem na tumambang at nakapatay sa presidente ng isang shipping line at makasugat sa isa sa dalawang anak ng napatay habang sakay ang mga biktima ng kanilang sasakyan sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City Chief of Police Senior Supt. Rimas Calixto ang napatay na si Ma. Theresita Go, 47, may-asawa, negosyante at presidente ng Posiedon Shipping Line na may postal address na M. Kalaw St., Ermita, Manila at kasalukuyang naninirahan sa Block 4, Apple Ville Homes, Brgy. 162 Sta. Quiteria, Caloocan City.

Nadaplisan naman ng

bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril ang isa sa dalawang anak ng napatay na biktima na si Charles Dustin Lloyd Go, 10, nakatira sa nasabing tirahan.

Base sa ulat ng Caloocan PNP, dakong alas-10 ng gabi kamakalawa nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Tullahan Road, Brgy. 162, Sta. Quiteria.

Nabatid nna kasalukuyang binabagtas ng mga biktima ang nasabing lugar sakay ng isang Toyota Fortuner na may plakang ZPM-688 na kulay gray nang biglang dumating ang dalawang hindi nakikilalang riding in tandem at tumapat sa driver’s seat.

Sa puntong ito ay agad pinagbabaril ng isa sa dalawang suspek ang salamin ng pintuan ng driver seat kung saan ang biktimang si Go ang siyang nagmamaneho ng nasabing sasakyan na tinamaan ng bala ng baril sa katawan at ulo, habang isa sa mga anak nito na si Charle Dustin Lloyd na nakaupo sa tabi ng kanyang ina ay nadaplisan ng bala sa katawan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga dalawang suspek sa hindi nabatid na direksiyon dala-dala ang ginamit na baril sa krimen.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.