Presidente ng Kooperatiba, Patay sa Partisano

PATAY ANG presidente ng isang kooperatiba matapos pagbabarilin ng isa sa tatlong lalaki na nagpakilalang miyembro ng Partisano (Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Leninista ng Pilipinas) sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Fatima Medical Center sanhi ng tama ng bala sa likurang ulo si Diego Gayas, Jr., 42, presidente ng Aces Code 1 Multi Purpose Cooperative and Home Owners Association at naninirahan sa Aces Code Subd., Ugong ng lungsod.

Base sa ulat, alas-9:30 ng umaga, kausap ng biktima ang ilang kapit-bahay sa nasabing lugar nang sumulpot sa likuran ang mga suspek, kung saan isa ang dalawang sunod na pumutok kay Gayas.

Matapos ang insidente ay nagsigawan pa ang mga suspek na “Mabuhay ang Partisano” at bago tumakas ay nag-iwan ng leaflets ng Partisano.

Dinala ang biktima sa FMC kung saan tinutugis na ng mga pulis ang mga suspek.

(MARY SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.