Presidente ng Kolehiyo, Kinasuhan ng Child Abuse

INIREKLAMO NG child abuse sa Department of Justice (DOJ) ang isang opisyal ng City College of Angeles (CCA) sa lalawigan ng Pampanga.

Base sa limang pahinang reklamo ng isang babaeng estudyante, pinagsamantalahan siya ni CCA President Averell Laquindanum na dating propesor at naging dekano pa sa Holy Angel University.

Kinasabwat pa aniya nito ang propesor na si Arnell Ocampo na kasalukuyang nakapiit na sa city jail.

Pero pinabulaanan ni

Laquindanum ang uma-no’y paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Wala aniyang merito ang kaso at sinisiraan lang siya ng complainant dahil sinampahan niya ito ng kasong libelo.

Nakapagtataka rin ani-

ya kung bakit ngayon lang nagreklamo ang nag-aakusa, gayong ayon mismo rito ay 2006 pa nangyari ang sinasabing panghahalay.

Nilinaw rin nito na hindi siya kasama sa kaso nang unang ikinulong na itinuturong kasabwat niya na si Ocampo.

Samantala, wala pang natatanggap na subpoena si Laquindanum mula sa DOJ, pero handa aniya siyang harapin ang kaukulang kaso laban sa kanya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.