Presidente ng Homeowner’s, Tinodas

BINARIL AT napatay ang presidente ng isang homeowner’s assosciation ng tatlong hindi nakikilalang suspek na sinasabing may kaugnayan umano sa usaping lupa sa loob ng kanyang junk shop sa Catmon, Malabon kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ernesto Gulfo, 52, may-asawa, presidente ng Catmonville Homeowner’s Association at residente ng Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Kaagad namang nagsasagawa ang Malabon PNP ng malawakang pag-hahanap laban sa tatlong hindi nakikilalang salarin na mabilis na nagsitakas matapos ang pamamaslang sa biktima.

Base sa ulat ng nasabing himpilan ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng junk shop ng biktima sa nasabing lugar.

Lumalabas sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, kasalukuyang nakikipag-usap ang biktima sa kanyang asawa na si Divina, 50, nang biglang dumating ang tatlong hindi nakikilalang suspek na pawang armado ng kalibre 45 baril.

Walang anu- ano ay tatlong beses na binaril ng isa sa mga suspek ang biktima na tinamaan nang dalawang beses sa dibdib at pagkatapos ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Kaagad namang isinugod ni Divina ang biktima sa Tondo Medical Center at bago malagutan ng hininga si Gulfo ay nasabi umano nito sa kanyang asawa na sina Yolly Manalac, Gloria Del Barrio at Purita Martinez na pawang nagmamay-ari ng lupang ipinaglalaban ng biktina ang may kagagawan umano ng krimen.

“Nasabi po ng aking asawa sa akin na bago ito malagutan ng hininga ang mga nabanggit na

pangalan ang may kagagawan sa nasabing pagpatay,” wika pa ni Divina.

Kaugnay nito, nagulantang naman ang lokal na pamahalaan ng Malabon nang masagawa ng rally sa harap ng city hall ang mga miyembro ng nasabing asosasyon na kumokondena sa ginawang pagpatay sa kanilang presidente na siyang lumalaban sa karapatan ng kanyang mga miyembro sa lupang kanilang ipinaglalaban.

(ROMAN MAGPOC)  

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.