President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center, Caloocan Medical Center na

KASABAY NG pagbabago ng pangalan ng President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center, na ngayon ay Caloocan Medical Center na, pauunlarin rin ang nasabing ospital at madadagdagan ng mga aparato at mga magagaling na doctor sa isinagawang Memorandum of Agreement kamakalawa ng umaga.

Kasama sa mga lumagda sina Department of Health Secretary Enrique Ona, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Vice Mayor Macario Asistio III at 2nd District Congressman Edgar Erice.

Nabatid na nagpasa ng resolution si 1st District Councilor Onet Henson na gawing Caloocan Medical Center ang PDMMMC na sinang-ayunan naman nina Malapitan.

Hiniling ni Erice sa DOH na tulungan sila upang mapaganda ang serbisyo ng CMC kung saan gagawin Private Public Partner ang nasabing ospital.

Hindi man direktang sinabi nina Erice na tataas ang singil ng nasabing ospital ay siniguro naman nito na gaganda ang serbisyo at pasilidad ng ospital.

Ayon kay Ona, kailangan malaman ng mga mamayan ang kahalagahan ng PhilHealth dahil hindi mararamdaman ng sinuman miyembro ng PhilHealth ang bayarin kung sakaling sila ay maoospital.

Sa halip na ang local government ang sasagot ng bayarin ay ang PhilHealth na ang magbabayad sa ospital.

Nangako naman sina Erice at Malapitan na bukod sa PhilHealth na ibinibigay ng Gobyerno ay maglalaan din sila ng budget upang maging miyembro ng PhilHealth ang mga mahihirap na pamilya sa lungsod partikular ang 2nd Dist., upang magamit sakaling kai-langanin sa pagpapagamot sa mga ospital.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.