Prepaid load, aalisan ng expiration

 

PINAG-AARALAN NG National Telecommunications Commission (NTC) kung dapat nang alisin ang expiration date sa mga prepaid load kasunod ng pagtanggal ng Department of Trade and Industry (DTI) sa expiration date ng mga gift certificate.

Pero aminado si NTC Director Edgardo Cabarios na matatagalan pa bago sila makapagdesisyon sa nasabing panukala.

Kakailanganin pa aniyang konsultahin ang mga telecommunication company at consumer group para malaman ang magi-ging implikasyon nito saka isasalang sa public hearing.

Nabatid na marami nang nagrereklamo sa nawawala o nasasayang nilang load kapag inabutan na ng expiration date.

Samantala, tumatagal ng tatlong araw ang P1 hanggang P10 prepaid load, 15 araw para sa P11-P50, isang buwan sa P51-P100, 75 na  araw sa P300 at apat na buwan para sa mahigit P300. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.