Premilinary investigation ni Aljur Abrenica, hindi natuloy – Alex Brosas

HINDI NATULOY ANG premilinary investigation ng kasong Acts of Lasciviousness laban kay Aljur Abrenica kahapon sa tanggapan ng Department of Justice.

Humingi ng postponement ang  abogado ni Aljur na si Atty. June Ambrosio sa office ni Associate Prosecutor Atty. Amanda Felipe kahapon dahil late na nila natanggap ang affidavit na isinampa ng complainant. Ini-reset ang Premilinary investigation sa Oct. 21.

Matatandaang nasangkot si Aljur sa harassment case nang mag-complain ang isang 15 year old aspiring model na nakilala ng aktor sa Puerto Galera White Beach noong Holy Week.  Kasama ni Aljur na nagbakasyon noon ang kaibigan niyang sina Moymoy Palaboy at isang kapatid. Ang claim ng complainant, hinawakan diumano ni Aljur ang maselang bahagi ng kanyang katawan. Nangyari diumano ang “panghihipo” ni Aljur noong April 10 and 11, 2009.

[ad#post-ad-box]

BONGGA SI MAJA Salvador dahil binigyan pala siya ni Kim Bum ng birthday gift bago ito umalis ng bansa.

Isang pabango ang iniregalo ni Kim sa dalaga. At ang sabi ni Maja, ang nasabing perfume ang gamit-gamit niya sa kanyang shooting palagi. Hindi naman siya nag-elaborate kung ilang pabango ang ibinigay sa kanya.

Anyway, very happy si Maja dahil finally ay natuloy na rin ang pagbibida niya sa telebisyon sa pamamagitan ng Nagsimula sa Puso. Twice na kasing nabulilyaso ang kanyang solo starrer sa TV. NA-shelve kasi ang Anna Liza at Moon River na pagbibidahan niya ngayon.

Super seksi si Maja sa kanyang black dress noong presscon kamakalawa, pero until now, hindi pa rin decided ang dalaga kung papatulan niya ang anumang offer na mag-pose siya ng sexy sa cover ng anumang men’s magazine.

HINDI PUWEDENG ISNABIN ang credentials ng singer na si Michelle. US-licensed kasi siya on early childhood education. She also operates a music school, Stardev sa Paranaque City.

Kamakailan ay nag-launch ng bonggang album si Michelle entitled Back In Time na naglalaman ng carrier single niyang “Ocean Deep”. Ipinakita ang music video nito na gawa ni Charlotte Dianco na very impressive ang dating in terms of execution and artisty. Nabigyan ni Michelle ng bagong sound ang lumang kantang “Ocean Deep” na sikat na sikat noon.

Bongga rin na degree holder si Michelle from the University of Sto. Tomas Conservatory of Music at cum-laude siya nang mag-graduate.

“It’s helpful na beforehand  trained ang isang artist. We have to know the rudiments in singing. Maganda Kung versatility and flexibility ang pag-uusapan, medyo confident ako sa area na iyon,” say ni Michelle sa album launch niya.

Ang puna lang ng press, kaboses ni Michelle ang music and theater icon na Lea Salonga. Pinatotohanan naman ito ng singer.

“Anywhere I go, they say ‘you sound like Lea’ and I always smile because she’s really my idol. When I first watched her when she was very young,  parang I told my dad, “I want to learn how to sing.”

Say ni Michelle na dating member ng 14 K ni Ryan Cayabyab, medyo late bloomer siya when it comes to performing sa mainstream music scene.

“I prioritize my studies. Sabi ko, I will do it after. So, medyo hindi ako ini-launch as a singer talaga,” esplika ni Michelle.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

3 thoughts on “Premilinary investigation ni Aljur Abrenica, hindi natuloy – Alex Brosas

  1. BKIT DI IBINALITA YAN NG PEPTIC OBVIOUS NA BIASSSSSSSSSS YANG WEBSITE N YANNNNNNNN……… HMMMMMMMMMMMP……..

Leave a Reply

Your email address will not be published.