Premiere Shots: Piolo Pascual at Ogie Diaz, nahan sa pag-shoot!

Kahit magkalaban ang network ng kinabibilangan, maituturing na mabuting magkaibigan sina Ogie Alcasid at Piolo Pascual. At siyempre, may common factor ang dalawang ito, huh!  Bukod sa pagkanta at pag-arte, meron pang common kina Ogie at Piolo noh! Naku naman, ‘pag hindi n’yo pa mahulaan na si Regine Velasquez ‘yun, ewan ko na lang. Kung gaano kaganda ang chemistry nina Regine at Ogie da pogi sa totoong buhay, ganun naman kaganda ang chemistry nina Regine at Papa P onscreen, huh! Swak na swak talaga at wala naman kaming nababalitaang selosan factor, huh!

Sa katunayan niyan, natiyempuhan ng ating pagala-galang parazzi photog sina Papa P at Ogie da Pogi na nagbo-bonding sa pamamagitan ng golf, huh! Napag-alaman nga ng team Parazzi na isang golf tournament fundraiser pala iyon na inorganisa ng Hebreo Foundation. Ang kinita ng nasabing tournament ay para sa medical missions, pagpapakain sa mga kapus-palad at para na rin sa iba pang charitable activities ng organisasyon. Kita mo nga, para naman pala sa kabutihan ang pagtutunggalian ng dalawang ito. Akala tuloy namin, labanan para sa puso ni Regine. Hahaha!

Premiere Shots
by Jean Oli

loading...

One thought on “Premiere Shots: Piolo Pascual at Ogie Diaz, nahan sa pag-shoot!

Leave a Reply

Your email address will not be published.