Premiere Shots: Pangarap Kong Jackpot!

Pinuputakte man ng intriga si Carlo J. Caparas dahil sa parangal na iginawad sa kanya, hindi naman ito naging hudyat para hindi matuloy ang pelikulang Pangarap Kong Jackpot. Ito bale ay in partnership with PCSO. Tatlong kwento ang tiyak na kagigiliwan ng mga manonood. Ito ay pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Jake Cuenca at Manny Pacquiao.

Star studded din ang nasabing pelikula. Nariyan ang mga batikang artista tulad nina Caridad Sanchez at Gina Pareno. Hindi rin pahuhuli ang mga sikat nating bagets na sina Mark Herras, Rainier Castillo, Megan Young, Nina Jose, Ryza Cenon at Jackie Rice. Ipapalabas na ang Pangarap Kong Jackpot ngayong Setyembre. Jajackpot kaya ‘to sa takilya?

By Mica Rodriguez, Photos By Yomen

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.