Premiere Shots: Mga sugo ni Eba!

Taun-taon inaabangan ng mga barako kung sino’ng Eba ang tatanghaling pinakaseksi ng FHM. Aba siyempre, kani-kaniya sila ng manok. At ngayong taon nga, naagaw ni Eva Fonda ang korona kay Marimar. Tuwang-tuwa siyempre ang mga tagasubaybay ni Cristine Reyes. Mega-sugod pa sila sa World Trade Center noong July 9 para mapanood ang pagrampa ng 100 sexiest Pinay!

Hindi naman nabigo ang mga barako dahil talagang pinaghandaan ng mga nagseseksihang dilag ang gabing iyon, huh! Kaya naman kahit maulan nang gabing ‘yun, pinagpawisan pa rin nang bonggang-bongga ang ating mga barako. Aba naman, kung ‘di ka pa mag-init sa mga Ebang ito, ewan ko na lang.

Ni Jean Oli
Photos by Fernan Sucalit and Mark Atienza

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.