Premiere Shots: Lance Raymundo at Rob Schneider, nagkaut-utang-dila sa L.A.!

By Joey Sarmiento

Lucky rin itong singer turned actor na si Lance Raymundo. Aba, bukod sa napasama sa 1st Filipino International Film Festival Los Angeles (FIFFLA) ang kanyang digital film na Fidel, nakasama rin niya ang Hollywood actor na may dugong Pinoy na si Rob Schneider sa isang round table discussion just before the screening of the film.

Binanggit daw ni Rob kay Fidel, este, kay Lance ang kanyang planong gumawa ng isang Hollywood film na isu-shoot dito sa ‘Pinas. Interesado rin daw si Rob sa indie film na Fidel at meron daw silang pag-uusap na gagawin para sa movie na ito.

Kasama ng pelikulang Fidel na ipinalabas sa Los Angeles Theater ang Himala, Jose Rizal at ang Dekada ‘70. Present din sa event na ‘yon ang dating GMA star na si Antoinette Taus.

Kung hindi magbabago ang plan ay may possibility rin daw na makasama si Lance sa pelikulang gagawin ni Rob sa ‘Pinas kaya wait and see na lang po tayo.

Photo by Alex Magallanes

Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.