Premiere Shots: Bente, bumenta!

Malaking bagay ang Sine Direk sa pagbuhay sa pelikulang Pilipino, gaya ng iba pang independent films na naglalabasan ngayon. Isa sa anim na pelikulang handog ng Sine Direk ang Bente.

Bentang-benta nga ang Bente dahil malalaking artista ang nagsama-sama sa pelikulang ito tulad nina Richard Gomez, Jinggoy Estrada, Emilio Garcia, Snooky Serna, Iza Calzado, Ryan Eigenmann at ilan sa mga baguhan at batang artistang sina Aldred Gatchalian, Mikee Lee at Glaiza de Castro. Mula pa ito sa panulat ni Ricky Lee tungkol sa socio-political scenario sa bansa.  Binigyan din ng Cinema Evaluation Board ng Graded A ang Bente na hindi lang basta isang indie film, kundi maituturing na isang “awakening film.”

Rebelasyon sa pelikula si Aldred Gatchalian na gumanap bilang isang aktibista laban sa extra-judicial killings ng mga manunulat. Ibang Richard Gomez naman at Jinggoy Estrada ang mapapanood dito. ‘Ika nga, may kani-kaniyang shining moment ang mga karakter, may sari-sariling kuwento.
Naispatan nga ng ating kamerang-gala ang ilang mabebentang bituin na kasama at sumuporta sa pelikula nang mag-premiere ito sa Podium noong July 2.

Click to enlarge.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.