Premature Baby, Dinukot sa Ospital

MAY LEAD na ang pulisya at Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa pagdukot sa isang premature baby na babae sa Barangay Carig, Tuguegarao City.

Napag-alamang nagulat na lang ang mag-asawang Delelis, residente ng Brgy. San Agustin, Abulog, Cagayan noong gabi ng Enero 5, 2013, nang kanilang mapansin na nawawala ang isa sa kambal nilang anak na si Jenifer Delelis sa incubator dahil sa isinilang na premature sa edad na pitong buwan.

Humingi ng tulong ang mag-asawa sa Deparment of Social Welfare and Development (DSWD) at sa kagawaran ng National Bureau of Invististion (NBI) na nakabase sa Tuguegarao City, Cagayan.

Nabatid na pitong buwan pa lamang ang kambal na babae nang iluwal ang mga ito sa naturang pagamutan noong December 29, 2012, kaya agad niyang ipinagbigay-alam ito sa mga nurse at guwardiya ng ospital.

Napag-alaman na nakunan pa ng CCTV camera ang pagtangay sa sanggol ng isang hindi pa nakikilalang babae na tinatayang nasa edad 23 taong gulang, katamtaman ang pangangatawan at tangkad.

Kuwento ng ama ng sanggol, bago nangyari ang insidente ay nakita umano nito ang babae na umaaligid sa kanilang kuwarto pero sinabi umano nito na mayroon siyang pasyente noong kausapin niya ito.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.