Prelim Salvage Operation sa Tubbataha Reef, Sinimulan na

NAGSIMULA NA umano ang “preliminary salvage operations” ng US Navy para sa sumadsad na barko nito sa Tubbataha Reef sa bahagi ng Sulu Sea.

Sinabi ni US Navy spokesman Lt. Frederick Martin na ginagagawa na ng mga crew ng crane ship na “Jascon 25” ang paglalatag ng tinatawag na Dynamic Position System (DPS) technology, kung saan maaaring makapag-operate ang barko kahit hindi na kai-langan ang paglalagay ng angkla.

Ayon pa sa opisyal, sakaling matapos kaagad ang trabaho, posible rin umanong masimulan na kaagad ang planong pagbaklas sa parte ng nabahurang USS Guardia.

“I can not predict what they will accomplish today, or if it will include removing any equipment from the USS Guardian,” ani ng opisyal.

Una rito, iniulat ng Philippine Coast Guard na dumating kamakalawa ng gabi ang Gibraltar-flagged “Jascon 25” para tumulong sa gagawing operasyon.

Samantala, una na ring nakapuwesto sa area ang isa pang barko na SMIT Borneo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.