Prediksyon sa mga Bituin

TUWING SASAPIT ANG bagong taon, naging tradisyon na sa showbiz ang magkaroon ng mga fearless forecasts para sa mga celebrities. Samu’t saring mga prediksyon ang walang takot na ibinubunyag tungkol sa kung ano ang maaaring mangyari sa apat na sulok ng showbiz. Ilan sa mga palaging prediksyon tungkol sa mga artista ay ang mga sumusunod: may magpapakasal, may mabubuntis, may mag-aaway, may magkakabati, may maghihiwalay, may magkakabalikan, may mananalo, may matatalo, may mawawala, o may magbabalik.

Here are some predictions para sa ilang stars ngayong 2011. Read on.

Si Toni Gonzaga raw ay magiging masuwerte sa kanyang career at may matatanggap daw siyang wedding proposal. Mukhang alam na nating lahat kung kanino ito manggagaling.

Tuluy-tuloy naman daw ang pasok ng suwerte kay Charlene Gonzales ngayon taong ito. Marami raw magagandang offers ang darating sa kanya.

At sino naman kaya itong non-showbiz guy na diumano’y makakatuluyan ni KC Concepcion? Ayon sa forecast ay lucky si KC pagdating sa kanyang career pero wala namang nakikita kung magkakatotoo ang relationship niya with a famous male celebrity. Ang nakikita kasi ng isang manghuhula na makakatuluyan niya in the future ay lalaking hindi taga-showbiz.

The Megastar Sharon Cuneta will continue her lucky streak this year especially in business. Marami pa raw siyang magiging investments. Kahit may mga intrigang darating ay huwag na lang daw niya itong pansinin payo ng manghuhula.

Masuwerte rin si Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos sa muling pagsabak niya sa pelikula pero dapat daw siyang mag-ingat sa kanyang health. Mag-ingat daw siya sa pagkain ng maalat.

Tiyak na matutuwa ang mga fans na kagaya ko dahil malaki raw ang posibilidad na muling magbalik ng bansa ang Superstar na si Nora Aunor. At kung sakali mang gagawa siya ng pelikula ay dapat niya itong paghandaang mabuti at tamang role ang gagawin niya.

Magiging masuwerte naman ang Queen of All Media na si Kris Aquino this year sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay including her career. Magta-travel din siya. Ayon sa forecast ay tulu-yan nang maa-annul ang marriage nila ni James Yap. At mai-involve siya this year with a non-showbiz guy.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Prediksyon sa mga Bituin

  1. Oo nga. Si Kris maswerte? Paano matatawag na swerte yun. Tama nga sinisira ng showbiz ang imahe nating mga pilipino, lalo na pagdating sa marriage. Tulad ni Kris kuha ng kuha ng lalaki tapos iiwan kapag di na meet ang kanyang standard na KALIBUGAN… My gosh…! Sorry na lang si James Yap napabilang siya sa mga collections ni Kris. Pero ok na rin dahil at least annul ang marriage dahil hinde bagay si Kris sa KATINUAN ni James Yap. Bagay lang sila ni Boy Abunda at kung sino pa ang mabibiktima ni Kris, kawawang lalaki. Sana nga makatagpo si Kris ng kanyang katapat, para malaman nya ang ibig sabihinng KARMA.

  2. sa lahat na aboved mentioned names si kris aquino ang worst at least vilma & sharon nagkamali din pero once twice lang pero si aquino naka 5 na di pa rin quota nag hahanap pa rin ng bagong lalaki nakakadiri! anyway magkaibigan nga kayo. “tell me who ur friends are & i will tell u who u are”

  3. boy abunda, si kris masuerte sa taon na ito? ako ko ba matalino at maka Dios ka… matutuloy ang annulment nya paano masabi na masuerte sya… nasira ang pamilya nya suerte ba yon? ah ok sa mga katulad mo na bakla ganon nga yon mga immoral just like you di ba ang inaasawa mo lalaki. pls lang dapat tumahimik ka na lang ang sabihin mo ang mga artista walang moral values puro makamundo ang mga inaatupag nyo WALK UR TALK ABUNDA.

  4. KALOKOHAN LAHAT NAMAN NG PINAGSASABI NYO EH DAHIL SUPER OBVIOUS NA PWEDENG MANGYARI.. ANG MALUPEEET PA PAG BIG STARS ANG HUHULAAN DAPAT PURO POSITIVE EFFECT HAHA IWASAN LANG ANG PAGKAIN NG MAALAT.. HAY NAKU.. AT OBVIOUS NA KAPAMILYUCKSS ANG ISA SA ADMIN NITONG PAGE LANG NA ITO HA.. UN NA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.