Precious Lara Quigaman: Wala raw silang dapat pag-usapan ng manager ni Marco Alcaraz!

NATATAWA NA LANG si Regine Velasquez kapag sinasabing buntis daw siya. Hindi na nga raw niya mabilang kung ilang beses na siyang napabalitang nabuntis ni Ogie Alcasid. Tumaba, lumapad ang pangangatawan kaya marami ang nag-akalang pregnant ang dalaga.

Kung si Regine ang tatanungin, gusto na rin niyang magka-baby. She’s not getting any younger, ‘di ba? Kaya lang, marami pa silang dapat ayusin ni Ogie bago pumasok sa isang malaking responsibilidad – ang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak.

Gusto muna ng Songbird na maayos ang lahat bago siya magbuntis. Kapag dumating daw ‘yung time na napagdesisyunan na nilang dalawa at ayos na ang lahat, bakit hindi? Puwede na silang magka-baby!

Ang iniisip ni Regine ay kapakanan ng magiging anak nila ni Ogie. Mahirap nga namang magkaanak siya na marami pang kailangang ayusin, hindi pa settled ang lahat. Umaasa ang singer-actress, this year maging plantsado na ang lahat. Kapag nangyari ‘yun, ready na raw siyang magka-baby.

Umiiwas si Regine mapag-usapan ang tungkol sa pagpapakasal nila ni Ogie.It’s a legal matter daw kasi kaya hindi siya puwedeng mag-comment tungkol dito. Pinagdarasal na lang niyang maging maayos na ang lahat para mapakasalan na siya ni Ogie Alcasid at maging legal wife na siya nito.

Happy ngayon si Regine sa magandang feedback ng kanyang kantaseryeng Diva. Bukod dito, kasama rin siya sa Party Pilipinas ng GMA-7 with Ogie kung saan hosts sila pareho. Nilinaw rin niya na never nilang iiwanan ang Kapuso network. Kung super happy ang Songbird sa takbo ng kanyang career, ganoon din ang singer-comedienne.

Speaking of Ogie, patok ang team-up nila ni Michael V. bilang Yaya at Angelina. Sila ang bagong mukha ng Del Monte Sandosenang Sarap na kinagigiliwan ngayon ng mga misis sa kusina.

SI PRECIOUS LARA Quigaman naman, natsitsimis din na diumano’y buntis sa boyfriend niyang si Marco Alcaraz. Agad namang pinabulaanan ng beauty queen/actress ang isyu. “It’s not true na buntis ako, I just laugh it off!” Mabilis niyang sabi.

Inamin ni Lara na going stronger ang relationship nila Marco. Madalas silang magkasama sa mga social gathering. Very much in-love kaya hindi maiiwasang intrigahin ang dalawa.

“We’re happy sa relationship namin. We’ve met each other’s family, we’re okey. I wish, maging happy na lang ‘yung ibang tao para sa aming dalawa. Well, hindi mawawala ang ganyang issue sa showbiz dahil celebrity ka, pinag-uusapan,” pahayag niya.

Teka, may intrigang nakarating kay Lara na hindi raw siya gusto ng manager ni Marco na si Arnold Vegafria para sa kanyang alaga. Nilinaw ni Lara hindi galit ang manager ni Marco sa relasyon nilang dalawa. Hindi raw siya affected kung sakaling totoo nga ‘yung balitang nakarating sa kanya. Hindi na raw kailangang makilala pa niya si Arnold nang personal dahil wala naman silang dapat pag-usapan.

Katatapos lang gawin ni Lara ang indie film na Slow Fade with Diether Ocampo kung saan gaganap siya bilang asawa ni Diet. Naghihintay rin ang dalaga ng follow-up project after ng May Bukas Pa sa ABS-CBN for another teleserye.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Precious Lara Quigaman: Wala raw silang dapat pag-usapan ng manager ni Marco Alcaraz!

  1. NAPAKA CLASSIC gay-straight, ba?-exbeauty queen love triangle nila….

    nowadays a woman is still win!-classic gay pageant answer

  2. Oo naman! Mas maganda ka naman kesa ke Arnold Vegafria, Lara.

    Hayaan mong maglupasay sa sahig sa kakaiyak iyang baklang iyan. Walang ginawa kundi atupagin kasi si Marco. Kulong lagi s akuwarto kesa bigyan ng projects..ayan…nakakita ng magandang dilag na pagkaka abalahan. Tsugi ang bakla!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.