Precious Lara Quigaman, kay Piolo lang gustong magpa-dyug?!

HINDI NA KAILANGAN pang kumuha si Sen. Manny Villar ng sino mang artista para i-endorse ang kanilang kandidatura ng anak na si Mark (who is also running for congressman for the lone district ng Las Piñas.)

Yakang-yaka naman pala ng only daughter niyang si Camille ang responsibilidad na ito, judging from her performance sa presscon na ginanap sa Laurel mansion kailan lang.

Mas pinagkulumpulan si Camille kaysa kay Cha-Cha ng Camella Homes commercials. I mean ang “Bulilit” endorser na biglang sikat kung kaya’t kinuha na ng Goin’ Bulilit ni Edgar Mortiz na napapanood tuwing Linggo ng gabi.

Mukhang artista ang daughter ni Sen. Manny. Hindi kataka-taka kung liligawan siya ni Willie Revillame. Iyon nga lang, mukhang ngayon pa lamang ay may kalaban na si Willie. Tiyak kasing haharangan ng sibat ni kumareng Lolit Solis ang ano mang daraanan ng Wowowee host, dahil ayaw raw niya ang isang marami na ang anak na aali-aligid sa kanyang “alaga.”

However, hindi dapat mag-alala si kumareng Lolit, dahil gusto namang panatilihin ni Camille ang maganda nilang pagkakaibigan ni Willie. May iisang patutunguhan ang lagi nilang pagsasama.

“We both want to help those who are not as lucky in life. Gusto namin silang magkaroon ng masisilungan, ng maganda-gandang buhay. Naniniwala rin ako na hindi na kailangang magkaligawan pa kami ni Willie para pag-usapan.”

Going back to Cha-Cha, mariin itong tumanggi nang alukin ni Lolit na gagawin niyang isang bold star. Siyempre, nagbibiro lang si kumareng Lolit. Mahirap nga namang mag-alaga ng isang kasing liit pa ni Cha-Cha kasi, maliit din ang talent fee nito. Mamimili pa ng role. Paano na lang kung walang anak ang mag-asawang bida sa isang proyekto? Eh, ‘di walang role para kay Cha-Cha. Makabubuti nang mag-Goin’ Bulilit na lang muna siya.

INCIDENTALLY, BUKINGAN ANG naganap sa katatapos na Entertainment Live noong Sabado.

Una, tiniyak ni Maja Salvador na walang ibang niligawan si Jake Cuenca ngayon kundi ang kaibigan niyang si Melissa Ricks. “Nene” pa nga ang tawag ni Jake kay Melissa. Maja should know dahil kasama niya si Jake sa Villa Estrella.

Mali kung gayu’n ang scoop ng SNN na karibal niya si Rayver Cruz sa pag-ibig ni Melissa. Sana nga, magtagumpay na si Jake para may permanent love team na siya sa tunay na buhay.

Hanggang pelikula at TV shows lang naman kasi ang team-up ni Melissa kay Mat Evans.

Mas matinding pagbubuko ang naganap sa interview naman ni Luis Manzano kay Precious Lara Guigaman.

“Totoo pong kay Piolo Pascual lang ako papayag na magkaroon ng kissing scene sa pelikula. Hindi lang po ‘yun, kung puwede pati love scene at bed scene ay gagawin ko. Piolo kasi iyan, eh. Nag-iisa yan,” aniya. “Kaya, hindi po totoong maarte ako at marami akong limitations sa pelikula. After Piolo, tingnan natin baka puwede nang pag-usapan ang kasunod.

“Hindi rin po totoong ako ang dahilan ng paghihiwalay nina Willie (Revillame) at girlfriend niya. Hindi po kami ni Willie, hindi rin po ako nakabalik as one of their host sa Wowowee. Iyong araw lang pong iyon ang guest stint ko roon at hindi permanente na. Hindi ko rin po kilala si Nadine at pasensiya na roon sa mga kung sinu-sino na nagse-send sa akin ng masasamang text. Wala po silang dapat ikagalit. Hindi po kami ni Willie.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

Related Post

loading...

One thought on “Precious Lara Quigaman, kay Piolo lang gustong magpa-dyug?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.